Byaheng Manila to Dubai

  1. Dahil OFW, kumuha muna ng OEC (OFW Exit Clearance) sa POEA.
    Bayad ako ng 2,202.93 Pesos.
    Nag-enquire ako ng BPI Pension Plan habang nag-aantay sa OEC queue.
  2. Bumili ng airline ticket online, Emirates ang napili.
  3. Sinubukan kong gamitin Emirates Bank ko pambayad, di tinanggap.
    NAJM ko di rin tinanggap.
    Buti na lang umubra ang aking RAK.
  4. Pagtapos mabayaran, nag email ng booking confirmation ang Emirates Airlines.
    Kasama sa email nila in PDF the eTicket, Conditions and Contract.
  5. Pina-print ko ang eTicket at kailangan itong ipakita sa counter.
  6. Nag check-in online 24 oras bago ETD, di ko napansin na may dinaanang seat number.
  7. Inemail ng Emirates and online check-in, pi-print ko na rin ang e-Checkin document.
  8. Puntang airport na kami, derechong Emirates counter na ako, check-in ang baggage.
  9. Bago lang yata ang staff na nag-process ng check-in ko di nya ma-close.
    Humingi ng tulong sa katabi, doon pinatapos.
    Kaya pala di ma-close, di na-verify RAK card ko.
    Tinatanong ko ang assigned seat number kong 16J kung saan banda.
    Di masagot, tinanong kung gusto kung palitan.
    Sabi ko sige, gusto ko aisle, binigyan ako 15E.
    Umalis na ako sa counter, tiningnan ko papeles ko.
    Di ako makalayo pa at parang may kulang.
    Tinawag ulit ako sa counter, binigay ang boarding pass ko.
    Tinanong ko kung OK na, OK na daw, so alis na ako.
  10. Antay-antay muna ako sa airport lobby, txt na OK na.
  11. Pasok na ako sa immigration/departure, pila sa OFW.
  12. Tiningnan ang passport at ang visa saka boarding pass at tinatakan.
  13. Tuloy na sa loob, 2 oras mahigit pa yata kaya merienda muna.
  14. Punta na sa Emirates Airline gate, bigay ang boarding pass.
    Tumawag sa radio nya ang ground steward, sabi: “Dito na si Richard Hain”.
    Di naman sinabi sa akin kung bakit.
  15. Tuloy na ako sa waiting lounge, basa dyaryo.
    Mga ilang minuto, may dumating at binigay sa akin luggage claim stub ko.
    Nakalimutang ibigay sa akin ng ground steward kanina.
    Dati, stick na nila yung claim stub sa boarding pass.
  16. Boarding na, medyo matagal dahil mababa number ko: 15E.
  17. Pagdating sa eroplano, medyo dismayado at nasa gitna pala ang 15E.
  18. Punta muna akong CR, pila na.
  19. Narinig ko nag-uusap lady passenger, ayaw nya daw sa pwesto nya.
    Nasa exit kasi malapit sa toilet.
    Inoffer ko seat ko, pinuntahan nya.
    Maya-maya ito na, ayaw daw nya.
  20. Balik ako sa upuan ko tapos mag-CR.
    Di muna ako umupo, may bakante kase sa malapit, aisle.
    Tinanong ko ang young lady kung may naka-upo.
    Wala daw so lipat ako.
  21. Maya maya, serve na juice, hingi ng extra ang katabi ko.
    Kala ko naman malakas talaga uminom, ako di pala umubos.
  22. Maya maya hatid na ng pagkain, handcarry lang ang tray, walang trolley.
  23. Hanap sila sa 15E, itinuro sa akin, 17B yata.
  24. Tanong ng steward kung ako si Richard, sabi ko “Yes”.
  25. Binigay sakin vegetarian meal daw, so kain ako ahead of the rest.
    Maganda palang mamili ka online, special delivery ang pagkain.
    Actually, alam ko kinansel ko online yung choice na yon.
    Pero OK na rin, kain na lang.
  26. Mama-maya trolley na bigay pagkain sa iba, tapos na ako noon.
    Gusto ko pa ngang hingi ulit eh, hehehe…
  27. Mga ilang oras ulit, special delivery na naman ng breakfast, ayos :)
  28. Nakahalata yata ang stewardees na well satisfied ako kaya binigyan ako ng survey sheet.
  29. I fill-up the survey sheet and submitted to another stewardees later na nanguha.
  30. Maya-maya dumating yung stewardees na nagbigay sakin ng survey, kinukuha.
    Sabi ko: “Nabigay ko na, sakin na lang tong ballpen ha?  Salamat”.
  31. Tulugan mostly mga tao pero nood lang ako The Proposal at Museum 2.
  32. Nang palapag na eroplano, antok na antok ako.
    Syempre di na makatulog, sabi ko pagdating na lang sa bedspace tulog maghapon.
  33. Tagal mag-taxi ng eroplano, sa malayo pa tumigil.
    Sakay kami sa airport bus, tagal ulit byahe puntang Terminal 3, bagong airport.
  34. Pagdating, puntang immigration, pila, tatak ng passport.
  35. Hanap ng baggage, daming rotating conveyors, nakakalito.
  36. Una kong pinilahan mali, hanap ulit at nakita din.
  37. May big LCD screen naman pero di highlighted and flight number.
  38. Tagal bago lumabas ng baggage, mas mabilis yong sa Cathay.
    First in last out yata sa Emirates, mas maganda sa Cathay.
  39. Pagkuha ng bagahe, labas na ng airport, hanap ako car rental.
  40. Walang available small car at mahal ang rate nila, 300+AED.
  41. Balik na lang ulit ako sa airport, haba ng pila sa taxi kahit maraming taxi.
  42. Txt ko na bedspace ko at si misis, sinabing dumating na akong Dubai.
  43. Medyo worried ako sa taxi at baka kako sarado na ang bahay, past midnight na kasi.
  44. Buti naman pagdating ko, bukas ang gate at gising na gising pa mga tao.
  45. Wala akong beddings, salamat at pinahiram ako ng partition-mate.
  46. Tulugan na for the next 12 hours :)

This blog was written using my HP Mini.
Took more effort being the 1st as I still have to download and install free software.
Hopefully it’ll be faster next blog, which I’m planning to be my 1st Dubai Metro ride.
BTW, this was written in Tagalog, just to see if how it’ll go using our language.
Maybe I’ll try to blog in Ilonggo, to tell my Negros trip, if ever.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s